Talasalitaan Ng El Filibusterismo Kabanata 26
Talasalitaan ng el filibusterismo kabanata 26
El Filibusterismo
Kabanata 26: Mga Paskil
Talasalitaan:
1. gugugulin - gagamitin o gagastusin
Halimabawa:
Pumunta si Basilio sa unibersidad upang humiram ng pera na gugugulin niya sa kanyang lisensya.
2. naimpok - naipon
Halimbawa:
Ubos lahat ng naimpok ko nang magkasakit ang aking anak.
3. katedratiko - propesor
Halimbawa:
Si Padre Millon ang katedratiko ni Basilio sa pisika.
4. piging - handaan
Halimbawa:
Ang magarang piging ay para kay Crisostomo Ibarra.
5. kapisanan - samahan
Halimbawa:
Ang kapisanan ng mga batang manunulat ay nabigyan ng parangal.
6. nagunita - naalala
Halimbawa:
Nagunita niya nag lahat ng masasakit na sinabi ng kanyang ina ukol sa kanyang kasintahan.
7. ungas - walang modo
Halimbawa:
Huwag kang tumulad sa kanila na mga ungas, bilin ng ina ni Jose.
Comments
Post a Comment